Originally written on Facebook Notes, March 26, 2015 at 12:55 PM
Napa-click ka ba kasi nasaktan ka sa title? Oh well, hear me out.
Sawa na po ako sa mga taong laging nagsasabi sa akin na “Nasasabi mo lang yan, kasi hindi mo alam yung pakiramdam ng bumabagsak,” “kasi matalino ka, eh ako hindi,” at “ikaw? babagsak? imposible” mga ganun…
Sino po kayo para i-judge ako ng ganun? Oo, pwede mong sabihin na, “Dapat nga matuwa ka, kasi pinupuri ka.” Eh kung ganoon rin lang ang puring matatanggap ko, mas mabuti pang laitin mo na lang ako. Pupurihin mo ako, tapos icocompare mo ako sa sarili mo, tapos ano, pilit mong ipaparamdam sa sarili mong wala kang kwentang tao dahil mas magaling ako sa’yo? Sa huli, naging kasalanan ko pa kung bakit ka magiging bitter? UNFAIR yun. Hindi ko ikinakatuwa yun. IKINAKAINIS KO YUN.
Tao lang ako mga ate at kuya. Hindi ako sobrang talino o sobrang sipag. Kung iniisip mo na sinasabi ko lang ‘to para hangaan mo ako, tulad ng ginagawa ng mga kaklase nating laging inaanounce sa klase na “HINDI AKO NAKAPAG-ARAL, HUHU” pero pagdating ng exam, almost perfect yung scores, PWE, este, pwes, nagkakamali ka. AYAW KO DIN SA MGA GANYAN. Hindi ko naman hinahangad na hangaan mo ako.
Gusto ko pong ipasok sa kokote niyo na hindi porke’t nagtop ako sa board exam ng MedTech, eh ibig sabihin, sobrang galing ko na sa lahat ng bagay…na tipong hindi mo papaniwalaang pwede akong bumagsak sa mga subjects ko sa med, o kahit ano pang exam, maski yung exam sa driving eh. Kung yung ibang topnotchers ganun, AKO HINDI. Please lang. Isa ako sa mga taong gugustuhing bumagsak ng paulit-ulit kung ang kapalit naman nung eh magiging better version ako ng sarili ko. I embrace failure as much I embrace success. I think both of them are inseparable.
Kung hindi mo alam ang kwento ng buhay ko o ang buong pagkatao ko, wala kang karapatang i-judge ako dahil lang sa IISANG INSTANCE na narinig mo ang pangalan ko o nagkita tayo. Hindi porke’t pinakitaan kita ng kabutihan eh i-aassume mo nang sobrang bait ko, at hindi rin porke’t nasungitan kita minsan (malay mo may PMS pala ako, hehe), eh ipagkakalat mo na na masama ugali ko.
Sa ganoong paraan din, hindi kita pwedeng i-judge na dahil ibinagsak mo ang subjects mo nung third year sa MedTech eh wala ka nang pag-asa pumasa ng board exams, o kaya nama’y dahil magaling ka nung undergrad eh sure na sure na akong magtotop ka sa board exams.
HINDI TAO ANG MAGSASABI SA’YO NG MAGIGING KWENTO NG BUHAY MO. IKAW MISMO.
Eh ano ngayon kung bumagsak ka, at least may pagkakataon ka pang itama ung mga naging mali mo noon. YOU CAN STILL TRY. Buhay ka pa.
Cliche man masyado, pero totoong habang may buhay, may pag-asa. Kung ipagmumukmok mo lang sa sulok lahat ng nangyayaring di kanais-nais sa buhay mo, sa tingin mo may maitutulong yun? Oo siguro, sa paraang yun, nailalabas mo lahat ng sama ng loob mo, pero hindi na makatarungan yung forever ka na lang magiging bitter sa buhay mo nang dahil lang sa iilang FAILURES. OO, “LANG” lang talaga, kasi kung tutuusin, pag natutunan mong tanggapin na hindi laging success ang matitikman mo sa buhay, magiging mas madali sayo ang kahit ano e. (So papatunayan mong may forever, ganun?)
Eh ano ngayon kung mas magaling sila sa’yo. Maaaring oo, maaaring hindi. You can not absolutely conclude. May kanya-kanyang tayong talents or set of skills eh. Sabi nga nila you cannot judge a fish by its ability to climb a tree! Hindi mo dapat ikabitter yun, kasi you have your own set of strengths, you just have to find out and USE IT APPROPRIATELY.
Nasa approach kasi natin yan eh.
Pwede tayong mamili – maniwala sa mga sinasabi ng ibang tao sa paligid natin o gumawa nang sarili nating paniniwala.
Maraming beses na din ako bumagsak, hindi lang sa exams, kungdi sa iba’t ibang aspeto ng buhay, pero bakit nakatayo at nakangiti pa rin ako ngayon?
Kasi hindi nawala sa puso’t isip ko o kahit lumabo man lang yung paniniwala kong hindi ko ‘to pagdadaanan kung hindi ko ‘to kailangan.
You see, people have their own stories to tell, it doesn’t necessarily mean you’re hopeless if you cannot jive with their timelines.
I agree that I MAY NOT BE THE BEST PERSON TO SAY THIS, BUT LET ME JUST TELL YOU MY 2 CENTS, IF THERE’S SOMETHING YOU NEED TO LEARN THEN IT’S
“Learn to accept that failures are requisites for success.”
Sa lahat ng mga bumagsak sa board exam or sa mga med exams o undergrad exams, whatever exams, ke una, pangalawa o pang-ilan pa man yan, gusto ko lang malaman niyo na SAWANG-SAWA NA AKO marinig/mabasa yung mga sinasabi niyong “Bakit ako?”, “Bakit nangyayari to?”, “Ginawa ko naman lahat, bakit bumagsak pa din ako”, at lalong-lalo na yung icinocompare niyo pa ung sarili niyo sa iba.
I WANNA HEAR/SEE YOU PROVE YOURSELVES WRONG.
You are worth it.
IT IS ALWAYS WORTH ANOTHER TRY.
DO NOT GIVE UP.
GOD WILL NOT PUT YOU IN A SITUATION YOU DON’T NEED.
Sabi nga ni Sir Winston Churchill, “Success is the ability to go from one failure to another with no loss of enthusiasm.”
THERE IS SUCCESS IN FAILING.
FAILURES ARE STILL BLESSINGS.
KEEP THAT IN MIND AND IN HEART.
If people look down on you when you keep on failing, let them. YOU DON’T LIVE TO PLEASE THEM (cause they will never be pleased, human nature, I know)
LIVE ONLY TO PLEASE GOD.
And He will be pleased if you trust His plans for you.
You may not understand everything right at this moment, but eventually, in His time, you will be amazed by how much awesomeness our God has.
His timing is ALWAYS PERFECT.
Whatever your comments/opinions are to this message, let me know.
Pero one thing is for sure, I WILL HELP YOU ANY POSSIBLE WAY I CAN. I BELIEVE IN YOU.
Just learn the first step… ACCEPT.
Life is short, unpredictable and sometimes, a bitch. DEAL WITH IT AND BE HAPPY.
For more failure-success stories, see this:
http://www.uky.edu/~eushe2/Pajares/OnFailingG.html
Here is a story of someone who previously failed the Med Tech Board Exam.
Doc krizz your existence has a huge impact in my life, thanks for the motivational message for us who failed MTboards. 👩🔬 We owe you a lot. God blessed you doc💓
LikeLike
You’re welcome. God bless you more.
LikeLike
Hi doc! Grabe na touch ako sa message mo. Mabuti nalang at binuksan ko yung link na pinost mo. Thank you so much sa motivational message doc! Recently, sobrang down talaga ako kasi I failed the board exam last year. Ang daming negative thoughts na pumapasok sa utak ko ngayon. Palagi kong tinatanong sa sarili ko. “Makakapasa na kaya ako? Kaya ko ba? O baka bagsak na naman ulit ako sa pangalawang pagkakataon ko sa board exam?” Pero nandahil po sa inyo doc. Natauhan na po ako. Dapat think positive lang and alam kong kakayanin ko ang lahat ng ito. Godbless you doc! Keep inspiring us. Lovelots! ❤️
LikeLike