Posted in Checkpoint Tutorials, Online Classes, Slice of Life, Testimonials

#TheCheckPointOnline Review Testimonials

Redeemed, RMT ni Lord, March 2021

Hello, RMTs and future RMTs-in-God’s-Perfect-Time ni Lord!

Gusto kong magpaabot ng maligayang pagbati sa inyong lahat dahil nalampasan natin ang January at March 2021 MTLE sa kabila ng COVID-19 pandemic. Hindi madali yung exam na natapos natin, kaya pasado man o hindi, binabati ko po ang lahat ng CONGRATULATIONS!

Gusto ko lang magshare ng bits about my life story.

Maraming nagsasabi na strong akong tao dahil naovercome ko ang lahat ng struggles sa buhay ko mula bata pa hanggang ngayon. Hindi ko na babanggitin ang lahat ng details. Ang babanggitin ko na lang ay yung struggles ko na may kinalaman sa college at sa pagpasa ko sa board exam.

Naka-pito akong taon sa college na dahil dalawang beses akong lumipat ng universities. Sobra ang struggle ko na makaadjust sa Manila bilang isang galing probinsya. Nakaranas ako ng matinding homesickness. Matinding pagod ang nararanasan ko araw-araw dahil sa pagcommute. Na-heartbroken din ako nang malala. Wala akong mapagsabihan na kaibigan o kapamilya kasi takot akong majudge. Ako kasi yung tipong hindi naman into relationships. Subsob sa pag-aaral, kumbaga. Pero nangyari na nga iyong kinatatakutan ko. Nauwi ito sa depression. Diagnosed ako with major depression. Mas naaggravate pa ng pagiging malayo ko sa family ko at yung wala akong makausap dahil sa takot akong mahusgahan.

Inendure ko araw-araw nang ilang taon ang depression ko nang walang nakakaalam na kaklase sa school. Nangyari na rin ang kinatatakutan ko na unti-unti nang humihina ang pag-isip ko. Hindi na gaya ng dati. Kahit na nahihirapan ako sa sakit ko, ngumingiti pa rin ako at tinatago ang sakit ko nang hindi alam nang mga tao sa paligid ko. Kapag may kailangan sila sa akin, andun pa rin ako para tumulong kahit sa sarili ko ay hirap na hirap ako.
Noon internship, na-bully rin ako. Nakadagdag pa yun sa depression ko.

Fast forward nung naka graduate na ako. Supposed to be ay magtitake ako ng board exam noong September 2019, pero hindi ko talaga kaya gawa ng sakit ko. Kaya hindi ako nagapply. Nagregister ako for March 2020 na lang. Pero gawa ng pandemic, napostpone ang exam. Kahit habang nagrereview ako para sa March 2020 na exam sana, bitbit ko pa rin ang sakit ko. Hirap na hirap pa rin ako. Pero malaki ang pasasalamat ko dahil di ako pinapabayaan ni God at ng family ko. 😔❤

March 2020 nang naglockdown sa Manila, umuwi ako sa probinsya namin. Mas lumala ang depression ko dahil sa mga plano sa buhay na hindi natuloy, at dahil sa fact na para sa akin ay matanda na ako pero wala pa akong naaabot sa buhay hindi tulad ng mga kabatch ko nung high school na mga nagtatrabaho na, nagmemedicine na, etc. Big deal yun para sa akin eh given na medyo achiever ako. Hindi po ako nagmamayabang, sana maintindihan niyo po ako.

Matagal akong naka-tambay lang sa bahay. Biglang nag announce na January 21-22, 2021 na ang board exam. Kahit papalapit na ang board exam, hirap na hirap pa rin akong mag-aral. Kaya nagdesisyon ulit ako na wag magtake ng January. Nagpareschedule na lang ako to March.

Parati kong kinakausap si Lord, “Lord, hanggang kelan ba ako aatras? Bigyan mo po ako ng lakas ng loob. Kahit minsan lang sana po makaintindi na ako ng inaaral ko. Kahit ngaying board exam lang po, Lord. Hirap na hirap na kasi ako sa buhay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa’yo na lang ako kumakapit.” Lagi akong umiiyak. Walang araw na hindi ako umiiyak. Hindi alam ng pamilya ko na kapag nasa loob lang ako ng kwarto, akala nila ay nag-aaral ako pero ang talagang ginagawa ko ay umiiyak ako o di kaya ay natutulog na lang. Pero syempre pinipilit kong mag aral. Naroon pa rin ang guidance at help ni God na sabayan ako sa pagreview.

Pero honestly, hirap na hirap akong makaintindi. Kaya sabi ko sa sarili ko, bahala na. Lalaban ako hanggang kaya ko. Mag eexam ako. Alam kong kaya ko. Alam kong hindi ako papabayaan ni God…ng family ko…ng Checkpoint Online Tutorial family. Kahit na tahimik lang ako sa group chat, alam naman ni Doc Krizza ang sitwasyon ko. Ang maganda pa, dahil minomonitor ni Doc Krizza ang reviewees niya personally. Sobrang nakatulong ang messages ni Doc sa akin. Pati mga messages sa group chat. 😭❤

So ayan exam days na. After ng 2nd day ng exam, pinaubaya ko na kay God ang lahat-lahat. Akala ko nga eh hindi ako papasa sa sobrang hirap ng exam. Pero nung March 25, bigla akong tinawagan ni Doc Krizza. Pasado ako! 😭

Sa kabila ng lahat ng pag-iyak ko, depression, pagiging delayed ko at pagiging huli compared sa batchmates ko, nagawa kong maging #HappyReadyRMTniLord. Pakiramdam ko naredeem ako. Napawi ang lahat ng luha. Nasuklian ang lahat ng paghihirap. Nabura ang lahat ng pagdududa sa sarili. Nabalewala ang pagiging delayed ko sa paggraduate. Nagkaroon ng sense ang pagpaliban ko ng dalawang nakaraang board exams. Naging sulit ang paghihintay nang matagal. RMT na ako! 😭❤

Marami pa akong gustong ibahagi sa inyo. Pero sa ibinahagi ko, nais kong iparating ang mensahe na si God ang pinagmumulan ng LAHAT ng magagandang bagay sa mundo. Sa kanya dapat tayo kumapit sa mga panahon na pinanghihinaan na tayo ng loob, sa mga panahon na nawawalan na tayo ng pag-asa sa buhay. Hindi niya tayo papabayaan. Hindi niya ako pinabayaan kaya hindi rin niya kayo papabayaan kahit na sa tingin niyo ay natutulog siya. GOD IS WORKING sa background. At kung sa tingin niyo na napag iiwanan na kayo ng panahon, ng mga kasama niyo, batchmates niyo, wag kayong malungkot dahil darating din ang oras na IBIBIGAY SA INYO NI GOD ang destiny niyong RMT sa dulo ng pangalan niyo IN HIS PERFECT TIME. Tulad ko, nadelay man ng ilang taon, pero binigay pa rin ni God ang destiny ko…ang RMT sa dulo ng pangalan ko. Maging faithful lang tayo sa promises Niya. Kahit hindi niyo na naiintindihan ang mga nangyayari sa buhay niyo minsan, kahit may mga frustrations at regrets man, kahit ilang beses nang hindi nakapasa sa board exam, magtiwala lang kay God. Believe in your own path and timeline. Try lang nang try dahil kahit anong obstacle pa yan, WHAT’S MEANT FOR US WILL BE OURS IN HIS PERFECT TIME.

Gusto ko rin iparating na huwag susuko sa mga hamon ng buhay. Maging matatag lang parati. Maging patient sa sarili. Maging humble sa kabila ng tagumpay at bawat achievement na nakakamit.

Gusto ko itake ang opportunity na ito para sabihin na malaki ang pasasalamat ko sa The Checkpoint Online Review kasi marami akong natutunan sa review. Napakacomprehensive ng review. At holistic ang approach nito. May support group din na napakalaking tulong lalo na kapag pinanghihinaan ako ng loob. Pakiramdam ko may pamilya ako na nasasandalan. 😊

Lahat ng bagay ay blessing ni God…pagpasa man sa exam o hindi pagpasa. Naniniwala ako diyan, kasi alam kong lahat tayo ay may kani-kanyang destiny…kani-kaniyang timeline. Kaya para sa mga hindi pumasa, just hold on and keep going! Never give up sapagkat nakaplano na sa palad niyo ang success na maaachieve niyo IN GOD’S PERFECT TIME. 🤗

~ Redeemed, RMT ni Lord, March 2021


~ Ann Margaret Saquing, RMT ni Lord, March 2021

TheCheckpointOnline helped me a lot! 🤗

Especially sa mga kagaya kong matagal ng nawala dahil 2017 pa ako graduate tapos ngayong 2021 lang nakapagtake ng board exam (because you can UNLI REPLAY LECTURES for you to remember and 💯 understand lectures way way back. Hehe!😊 And we had group study sessions aside from lectures for those who wants or needs an extra help! 👌)

During this pandemic, it was really difficult for us to study, medyo stressful pero dahil sa TheCheckPointOnline, learning was made easier dahil well-organized ang app from subjects to topics, etc. We had our review sessions thru zoom and all our questions were well explained and answered properly. No student is left behind. 😊

After live sessions, you can have the video replayed anytime for you to recall the lectures you had. Plus there are a lot of quizzes to help you master every topic that had already been discussed. Lalo na sa mnemonics. The best! 😁 Very hands on si Doc Krizza and team. They would always check students from time to time. They were open to any comments or suggestions to help improve things. They don’t treat us as students lang but they made us feel na part kami ng family ng TheCheckPointOnline. 🤗

And lastly, they don’t just teach lectures, they will bring you closer to God and strengthen your faith! 🙌🙏

Thank you so much TCPO, to Doc Krizza and team!

May God bless you more! 🤗 U DA BEST!!

💜 HappyReadyRMTniLord 💜

~ Ann Margaret Saquing, RMT ni Lord, March 2021


RMT ni Lord, January 2021, Future MD

“Many students already triumphed medtech boards while in med. So, who says you can’t?” – Doc Krizza

This will always be my mantra. The moment I read this, I thought to myself, “Kung na kaya nila, kaya ko rin.”

Two weeks after Med school started when I realized that reviewing for the MTLE while studying medicine was not going to be easy. I was having a hard time balancing both (lol, hard is such an understatement) and it felt like I bit more than what I can chew. My hope was slowing fading but I prayed even harder. I prayed to have peace of mind, composure and strength. I asked God for guidance, confidence and He heard all my prayers. I did it. I am now an RMT.

I am thankful for the people that God used as an instrument of his greatness. I’d like to thank my parents, family and friends for always believing in me. Thank you for saying that I can when I thought I couldn’t. Thank you, Doc Krizza for your guidance, knowledge and generosity. I still can’t believe how one raffle giveaway became a vital medium to my successful RMT journey.

To all aspiring RMTs that are currently enrolled in Med school, don’t be frightened. Pray to God (prayer works and it never fails!) and believe in yourself. KUNG NAKAYA KO, KAYA NIYO RIN!

This one is for the dreamers and risk-takers! Keep catching dreams and keep on taking risks! Cheers!

~ RMT ni Lord, January 2021, future MD

Author:

Hi! I am an anime-loving registered medical technologist turned doctor of medicine. Oh yeah, I teach medtech and life. Hihi. ^o^ Yoroshiku.

2 thoughts on “#TheCheckPointOnline Review Testimonials

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.