Realtalk lang sa mga nagmemessage na gusto nila maging RMT pero natatakot sila. Wag niyo ako hanapan ng malambing na sagot kasi eto talaga sagot ko kahit kailan niyo ako tanungin. Pwede mo pakinggan, pwede ding hindi. Your call.
Kung lagi mong papairalin ung takot sa puso mo, hindi mo din maaabot ung mga pangarap mo. Kasi napaparalyze ka ng takot, wala ka ng focus sa mga pwede mo namang gawin para makapagprepare.
Kung idadahilan mo na natatakot ka madisappoint mga tao or masaktan sa possibleng pagbagsak ehh kailangan siguro marealize na…
Kasama sa buhay ng tao ang disappointment, minsan, hindi talaga maiiwasan un kahit pa sabihin nating pamilya o mahal sa buhay. Tao tayo eh. Hindi talaga tayo masasatisfy (unless you have Christ in your life and surrendered everything to Him).
Kung natatakot ka sa pagbagsak kasi masakit, eh kailangan mo talagang pagdaanan yun, para mas lumakas ka. Lahat ng pinagdadaanan natin may lessons.
Huwag mo lagi ikumpara ung nararanasan mo sa iba kasi may iba din naman silang pinagdadaanan. May ibang lessons na itinuturo sa kanila si Lord. Hindi magandang halintulad ka ng halintulad.
Kung hindi ka magtagumpay sa ngayon, hindi ibig sabihin hindi mo na magagawa sa susunod. Hindi rin ibig sabihin na wala kang alam o bobo ka. Pwedeng marami lang talagang nangyayari sa buhay mo at wala ka sa focus. Wag ka masyadong harsh sa sarili mo. May kailangan kang matutunan sa bawat ‘failures’ na nangyayari sayo. Kaya wag mo katakutan. Oo masakit, pwede ka pa malait ng ibang tao o kahit ng pamilya mo, pero at the end of the day, pag nakuha mo ung lesson, you’ll be stronger, you’ll be happier. And you have to realize YOU NEEDED THOSE SETBACKS to acquire everything you need to get to where you are meant to be.
KUNG LAGI KA NA LANG MAGPAPATALO SA TAKOT, EDI WAG KA NA LANG DIN MANGARAP.
Para wala kang madisappoint.
Para hindi ka masaktan.
Pero, sasaya ka ba?