Originally posted on my Facebook account and in Krizza-Almond’s FanPage – Posts | Facebook.
Ung mga kabatchmates namin sa medschool, graduate na sa residency training nila, at minsan pag nakikita ko mga posts nila, tinatry ko hanapin ung totoo kong nararamdaman… Naiinggit ba ako at nasasabi sa sarili ko na sanaol? Hahaha… Kasi di ba, kung tutuusin, dapat ako din tapos na kung ipinagpatuloy ko din sana… Di ko alam bakit ako naghahanap ng ganung pakiramdam, pero wala ehhh… Masaya ako para sa kanila, pero masaya din naman ako sa kung nasaan ako ngayon.
Siguro, talagang kailangan mo lang maging MASAYA sa ginagawa mo, at mahanap kahit papaano yung purpose mo sa mundo – yung kung saan ka talaga gusto ilagay ni Lord. Sa totoo lang, kahit hindi ako nakakapagpractice ng medical career ko sa ngayon, fulfilled pa din naman ako kasi nakakatulong pa din naman ako sa mga future healthcare professionals kahit kaunti.
Kaya, sana, tuwing maaalala mo na hindi ka na kasabay ng mga kasabayan mo, hindi ibig sabihin, wala ka ng kwenta at wala ng pag-asa. May kanya-kanya tayong kwento. May panahon ka din. Matutong maging totoong masaya para sa tagumpay ng iba, huwag magtanim ng inggit at sama ng loob sa mundo. Dadating din ang tamang oras para sayo at habang hinihintay natin yun, sana mahanap mo din ang tunay mong kaligayahan. ![]()


Leave a Reply